nagbas ako ng ilang blog. followers at hindi. ang daming inspirational blogs. nakakainspire mag shoot, magpinta, maglakwatsa at magsulat. pero syempre, hindi ko naman kayang gawin lahat iyon. basta, nainspire lang ako. at may isang blog akong paulit-ulit na binabasa at binabalikan.
I grew up listening to Francis Magalona’s rap music. i even bought a couple of his cassette tapes, YO! and Francism. i even listened to Bone thugs and Harmony and Eminem. But still I don’t consider myself as a hiphop dude.
During that time, I dreamed of becoming a photographer for a newspaper. Guess what? I became a photo contributor for some tabloids and a Korean broadsheet before ending up shooting concerts and some stints for FHM.
See the the connection? Here it is…
Many musicians dream of performing in Araneta Coliseum, it is the barometer of their career. Last April 09, that dream came true for the hiphop community. Hence the title, ARANETA DREAMS. A concert primarily of hiphop artists and freestyle rap battle warriors, together with some OPM icons from various genres, folk, rock, R&B, and alternative. And if that wasn’t amazing enough, there’s an orchestra providing beat for the rap battle segment. Cool. But the coolest part is that i was there to shoot.
The death of Francis Magalona is not he end of hiphop here in the Philippines. It actually paved the way for the new generation of artists. And as long as there are concert producers who believe in the talent and skills of Filipino musicians, we will never run out of world class performers.
And if you want to be heard, to be seen, to be recognized, do your job.Sharpen your skill and hone your talent even more.
Believe in your dreams.
Grand Easter Party
Nag-enjoy ang ang parents at tsikiting sa Grand Easter Party ng SM North Edsa noong linggo sa Skydome. May easter egg hunt, race and painting. meron ding face painting para sa mga bagets. Nagkaroon ng mall wide mascot parade na nagpasaya sa lahat ng mamimili at namamasyal sa SM North Edsa. May bubble show, at meet and greet sa HOP na isang malaking rabbit. Merong mga contests gaya ng best easter egg design, best face paint, at ibang palaro. Pinakatampok ang costume contest na nahahati sa dalawang kategorya. Cutest costume and Most Colorful costume. At ang the best part, nagkaroon ng impromptu na pagrampa ang mga bagets. Super cute talaga.
Namigay din ng goodies ang mga sponsors gaya ng Goldilocks, Sumo Sam, Patiserrie Caroline, Adobo Connection.
Ang nanalo sa Cutest Costume ay si Dane Catamora habang si Ashley Cabrera naman sa Most Colorful Costume.
SM CITY NORTH EDSA is inviting everyone to join their Grand Easter Party at the Skydome on March31 at 1 pm. There will be easter egg hunt, HOP meet and greet, costume contest and mascot parade. Tag along your kids and join the fun. See you there!
Nakatanggap ako ng text mula sa managing editor ng FHM Philippines na si sir Allan at tinanatong nya kung gusto kong icover ang event ng Harley-Davidson. Harley Davidson? Why not?
Sino ang hindi nangarap magkaroon o makasakay man lang sa isang motorsiklo ng Harley-Davidson? Ito na yata ang simbolo ng pagiging astig (at mayaman). kung may tinatawag na muscle cars, ang Harley-Davidson ang mean machine pag dating sa motorsiklo. Astig. Matikas. Makisig. ganyan ang isang Harley-Davidson motorcycle. Pangarap ng mga astig, matikas at kahit hindi makisig na lalake.
Pagpasok pa lang sa venue ay sasalubungin ka na ng mga magagandang chicks. Mga matatangkad na babaeng nuknukan ng kaseksihan. Umaapaw din ang beer, kaya’t ang dami ding nalashing. Syempre, hindi mawawala ang magagaling na banda.
Unang sumalang sa entablado ang THE DAWN. mula classic hanggang sa mga bago nilang kanta ay wala pa ring kupas ang bandang ito. Sumunod ang GENERAL LUNA. May mga tinugtog silang cover at ilang orihinal na komposisyon. Pero ano pakialam naming lahat sa kung anong tinutugtog nila eh kay seksing si Caren (bokalista) lang naman naktingin ang mga nakainom ng mga bikers at photographers? :-) Ang huling sumalang sa entablado to rock the night away ay ang bandang THE JERKS. Classic rock and roll naman ang birada ng bandang pinamumunuan ni Chickoy Pura.
Nagkaroon din ng paraffle para sa lahat ng dumalo at gaya ng inaasahan, bigo na naman akong manalo.
So, pre, kung may pambili ka, bili na ng Harley-Davidson motorcyle…
nagkameron ng pagkakataong makapagshoot ng concert ng mga foreign artists (e.g. avril lavigne, greyson chance, olivia newton john, a1, blue, nicki minaj…), at maging sa airport arrival nila, nakunan ko sila… naging isa din ako sa mga official photographer ng Coca-cola concert ng bayan. naging photographer din sa FHM. hindi man pang cover, FHM pa rin yun mhamen…
nakabili ng 50mm lens, canon flash na 270 ex, canon powershot A1200, holga 120 fn, bell+howell na buy 1 take 1, alcatel na cellphone at tablet na postpaid sa sun cellular network…
madaming nakilalang bagong kliyente, tropa at kaibigan mula sa iba’t-ibang larangan.
naikasal. nag-kaanak ulit.
sana sa 2013, mabawasan na ang pro bono na coverage at super barat na talent fee. mahal po ang camera at kailangan ko din pong mabuhay. at par makabili ako ng mas abanteng kagamitan, sana, dumami pa ang projects na maganda ang bayad.
may mga dumating… may mga umalis… at may mga kailangan nang iwan dahil bagahe lang. mas magiging mabilis at maginhawa ang paglalakbay kung walang bitbit na bagaheng di naman kailangan.
sa lahat ng sumuporta at naniniwala pa rin, mahal ko kayo at maraming salamat sa inyong lahat… :)
dahil ngayon lang ako nagkameron ng smart phone, aaminin kong bobo pa ako sa teknolohiyang ito.
Madalas, sa tuwing pupunta ako sa Makati Central Business District ay naglalakad lang ako mula sa SM then lusot sa Glorietta at Landmark. para naka aircon at hindi halatang ayaw sumakay ng taxi o jeep. Noong nakaraawang araw ay nagtungo ako sa isang opisina sa Salcedo Street, Legazpi Village, ay dumaan ako sa nakasanayan ko nang ruta. Paglabas ko ng Landmark at pagkalagpas sa Ayala Museum, ay binaybay ko ang footfridge na tatagos sa carpark ng isang gusali, dito ay nagulat at namangha ako sa mga obrang nakapinta sa kisame, o yung ilalim ng flooring sa itaas. Ang gaganda ng mga nakapinta. Ang sarap tingnan at nakapapawi ng stress sa siksikang MRT. Isa sa mga benepisyo ng paglalakad ay ang makatagpo ng mga likhang-sining sa mga hindi inaasahang lugar.kung ako ay nag bus o nagtaxi ay tyak na di ko makikita ang mga obrang ito…
Muli ay pinatunayan ni Jane Arrieta Ebarle sa kanyang ika-limang HIBLA Series, na sa kabila ng makabagong teknolohiya (na lahat ay pwedeng maging instant artist, instant photographer, instant etc.,) ay nanatiling buhay ang sining ng pagpinta sa isang exhibit na binuksan sa Renaissance Gallery sa SM Megamall noong ika-8 ng Disyembre.
Sa kanyang mga likha, masasalamin ang malalim na pagrespeto sa salitang ART, dahil ang bawat obra ay iginuhit ng malayang kaisipan at damdamin na di kayang saklawan ng komersyo. At sa kabuuan ang bawat likhang-sining ni Ebarle ay isang controlled chaos. Magulo pero maganda. Very inspiring ‘ika nga. At ang payo nya sa mga nagnanais maging isang abstract painter, sinabi ni Ebarle na you gotta have the passion, not just the skills.
Ang exhibit ay magtatapos sa December 18. kaya punta na kayo at silipin, mamangha at mainspire sa mga obra ni Jane Arrieta Ebarle.
Sa mga susunod na araw ay magtutungo sa New York City si Ebarle upang doon mag-exhibit ng kanyang mga abstract paintings.
me covering Andres Bonifacio Day. photo by Boyet Cruz. look at the shirt as well as the holga… :)