Posts tagged: Chris Lucas
Grand Easter Party
Nag-enjoy ang ang parents at tsikiting sa Grand Easter Party ng SM North Edsa noong linggo sa Skydome. May easter egg hunt, race and painting. meron ding face painting para sa mga bagets. Nagkaroon ng mall wide mascot parade na nagpasaya sa lahat ng mamimili at namamasyal sa SM North Edsa. May bubble show, at meet and greet sa HOP na isang malaking rabbit. Merong mga contests gaya ng best easter egg design, best face paint, at ibang palaro. Pinakatampok ang costume contest na nahahati sa dalawang kategorya. Cutest costume and Most Colorful costume. At ang the best part, nagkaroon ng impromptu na pagrampa ang mga bagets. Super cute talaga.
Namigay din ng goodies ang mga sponsors gaya ng Goldilocks, Sumo Sam, Patiserrie Caroline, Adobo Connection.
Ang nanalo sa Cutest Costume ay si Dane Catamora habang si Ashley Cabrera naman sa Most Colorful Costume.
SM CITY NORTH EDSA is inviting everyone to join their Grand Easter Party at the Skydome on March31 at 1 pm. There will be easter egg hunt, HOP meet and greet, costume contest and mascot parade. Tag along your kids and join the fun. See you there!
Madalas, sa tuwing pupunta ako sa Makati Central Business District ay naglalakad lang ako mula sa SM then lusot sa Glorietta at Landmark. para naka aircon at hindi halatang ayaw sumakay ng taxi o jeep. Noong nakaraawang araw ay nagtungo ako sa isang opisina sa Salcedo Street, Legazpi Village, ay dumaan ako sa nakasanayan ko nang ruta. Paglabas ko ng Landmark at pagkalagpas sa Ayala Museum, ay binaybay ko ang footfridge na tatagos sa carpark ng isang gusali, dito ay nagulat at namangha ako sa mga obrang nakapinta sa kisame, o yung ilalim ng flooring sa itaas. Ang gaganda ng mga nakapinta. Ang sarap tingnan at nakapapawi ng stress sa siksikang MRT. Isa sa mga benepisyo ng paglalakad ay ang makatagpo ng mga likhang-sining sa mga hindi inaasahang lugar.kung ako ay nag bus o nagtaxi ay tyak na di ko makikita ang mga obrang ito…
Muli ay pinatunayan ni Jane Arrieta Ebarle sa kanyang ika-limang HIBLA Series, na sa kabila ng makabagong teknolohiya (na lahat ay pwedeng maging instant artist, instant photographer, instant etc.,) ay nanatiling buhay ang sining ng pagpinta sa isang exhibit na binuksan sa Renaissance Gallery sa SM Megamall noong ika-8 ng Disyembre.
Sa kanyang mga likha, masasalamin ang malalim na pagrespeto sa salitang ART, dahil ang bawat obra ay iginuhit ng malayang kaisipan at damdamin na di kayang saklawan ng komersyo. At sa kabuuan ang bawat likhang-sining ni Ebarle ay isang controlled chaos. Magulo pero maganda. Very inspiring ‘ika nga. At ang payo nya sa mga nagnanais maging isang abstract painter, sinabi ni Ebarle na you gotta have the passion, not just the skills.
Ang exhibit ay magtatapos sa December 18. kaya punta na kayo at silipin, mamangha at mainspire sa mga obra ni Jane Arrieta Ebarle.
Sa mga susunod na araw ay magtutungo sa New York City si Ebarle upang doon mag-exhibit ng kanyang mga abstract paintings.
“…walang nagsusulat dahil walang nagbabasa…” - gary granada
Kamakailan ay naging maigting ang kampanya ng lokal na pamahalaan ng Marikina kontra sa plastic bag. kaya kung mamimili sa mga grocery at department store, ilalagay sa supot na papel ang pinamili mo. kung bibili ka naman halimbawa ng buko kay manong na naglalako, ilalagay nya sa disposable paper cup ang bj mo.
Minsan isang umaga pagkagaling kong magjogging sa Marikina Sports Park, naisip kong mamalengke ng uulamin. Bumili ako ng alimasag. Inilagay sa plastic labo pero hindi na inilagay sa plastic bag o sando bag. Ganun din nang bumili ako ng karne ng baboy. Syempre namili rin ako ng gulay at iba pang rekado, pero sa pagkakataong ito supot na papel na ang lalagyan.Madaling intindihin na plastic pa ang gamit sa wet market kai nga hindi naman pwedeng isupot ang alimasag. Sa madaling sabi, umuwi akong ang dami kong bitbit na supot. Hindi gaya dati na pwede mong pagsama-samahin sa isang plastic bag ang mga pinamili mo.
So para maging maalwan ang pamumuhay tuwing maninindahan, bumili ako ng reusable eco bag. Hindi plastic. Hindi bawal. At para walang umangkin sa aking biniling eco bag, naisipan kong tatakan ito o ipersonalized sa pamamagitan ng silkcreen process.

May luma akong screen ng mukha ni SLASH at iyun ang ginamit ko. Nagmukha nga lang panghalloween kasi black ink on orange garment ang nangyari, tila pumpkin. hahaha. Hindi ko na ikukuwento at ipapakita yung print sa kabilang side kasi palpak eh. :)
Ang mahalaga, matuto tayong ingatan ang daigdig. nag-iisa lang ito.
Sa bansang halos araw-araw ay may nabubuo at namamatay na banda, maswerte na kung makapagrelease kayo ng isang EP/Album. At sa puntong yan, hindi naiiba ang bandang SUNDOWNMUSE, na naglaunch ng kanilang EP/Album na APATHY IS THE CURE sa 70’s Bistro kagabi, (July 14) matapos ang halos isang dekada ng pagtugtog at pagpapalit ng mga myembro.
Madami na akong napakinggang indie/underground bands. Yung iba, natuto lang humawak ng instrumento, musikero na daw sila. Meron namang, porket may banda na eh asal rockstar na. Pagpasok ko sa 70’s bistro, sinalubong ako ni Drew Contreras, drummer ng banda, well, sya naman kasi ang nag-invite sa akin, and he’s a fellow photographer. he introduced me to the band and the rest of the gang.
Hindi ko alam ang genre ng bandang SunDownMuse. Di ko alam ang kanilang attitude on stage. pero nang sumalang na sila pagkatapos ng bandang Mr. Anderson at ni Julianne, wow, maganda ang rehistro ng kanilang musika sa aking pandinig. magkahalo ang rock and jazz and everything in between. Magaan pakinggan ang kanilang tugtugan. At habang nagsu shoot ako, naisip ko na ang bandang gaya ng SunDownMuse ang dapat na binibigyan ng break sa mainstream music industry. sila dapat ang naririnig natin sa radio at gineguest sa mga tv shows.
Ang APATHY IS THE CURE ay available sa ilang piling Odyssey outlets. May anim na kanta. At maniwala ka, ang sarap pakinggan.
Dumagsa sa SM Arena ang mga tagahanga ng American rapper/singer na si Nicki Minaj kahapon (July 11) upang makiparty sa Pink Friday tour. Bata, matanda, boys and girls, and those in between surely had a good time as Nicki Minaj performs her hit songs like Starhip, Stupid Hoes, and Super Bass among others.
Even celebrities, troop to the Arena to watch her live. i saw, Angelou De Leon with her daughters and Carlene Aguliar, Petra Mahalimuyak, Pia and Maxene Magalona, Raymond Gutierez, Tim Yap and so many familiar faces that i don’t know the names.
The show was opened by Q-York and Phillippine All Star. AT pagtapos ng gap, dumagundong ang Arena nang sumalang na sa entablado si Minaj. Biglang napuno ang harapan ng stage nang biglang sumugod sa harap ang mga tao. wala nang pakialam kung magakasiksikan o magkatulakan makita lang nang malapitan ang kanilang idolo. may mga taong tumawid sa mga upuan makalapit lang sa stage. In a way, naging advantage ko ang pagdagsa ng mga tao kung saan ako nakaupo. nagawakong makuha ng maraming litrato sa buong time ng concert dahil naging camouflage ko silang lahat. Paparazo kaya ito. sabi nga ng mentor kong si Jude Bautista, “diskarte lang Chris”.
I am not a fan of Nicki Minaj even my Saul used to sing the chorus of her hit song Super Bass. But I must admit that her performance is so good that there were moments that I caught myself dancing and yelling “yeah”.
This awesome show’s brought to us by WILBROS, Globe Telecom, and Black Berry Pilipinas. Good work guys and thank you!
At around 4:30 pm yesterday, singer-rapper Nicki Minaj arrives in Manila for her concert today July 11 at SM ARENA.