Install this theme

Posts tagged: art

Madalas, sa tuwing pupunta ako sa Makati Central Business District ay naglalakad lang ako mula sa SM then lusot sa Glorietta at Landmark. para naka aircon at hindi halatang ayaw sumakay ng taxi o jeep.  Noong nakaraawang araw ay nagtungo ako sa isang opisina sa Salcedo Street, Legazpi Village, ay dumaan ako sa nakasanayan ko nang ruta. Paglabas ko ng Landmark at pagkalagpas sa Ayala Museum, ay binaybay ko ang footfridge na tatagos sa carpark ng isang gusali, dito ay nagulat at namangha ako sa mga obrang nakapinta sa kisame, o yung ilalim ng flooring sa itaas. Ang gaganda ng mga nakapinta. Ang sarap tingnan at nakapapawi ng stress sa siksikang MRT. Isa sa mga benepisyo ng paglalakad ay ang makatagpo ng mga likhang-sining sa mga hindi inaasahang lugar.kung ako ay nag bus o nagtaxi ay tyak na di ko makikita ang mga obrang ito…

     Muli ay pinatunayan ni Jane Arrieta Ebarle sa kanyang ika-limang HIBLA Series, na sa kabila ng makabagong teknolohiya (na lahat ay pwedeng maging instant artist, instant photographer, instant etc.,) ay nanatiling buhay ang sining ng pagpinta sa isang exhibit na binuksan sa Renaissance Gallery sa SM Megamall noong ika-8 ng Disyembre.
     Sa kanyang mga likha, masasalamin ang malalim na pagrespeto sa salitang ART, dahil ang bawat obra ay iginuhit ng malayang kaisipan at damdamin na di kayang saklawan ng komersyo. At sa kabuuan ang bawat likhang-sining ni Ebarle ay isang controlled chaos. Magulo pero maganda. Very inspiring ‘ika nga. At ang payo nya sa mga nagnanais maging isang abstract painter, sinabi ni Ebarle na you gotta have the passion, not just the skills.
     Ang exhibit ay magtatapos sa December 18. kaya punta na kayo at silipin, mamangha at mainspire sa mga obra ni Jane Arrieta Ebarle.
     Sa mga susunod na araw ay magtutungo sa New York City si Ebarle upang doon mag-exhibit ng kanyang mga abstract paintings.

Granada Sa Aking Kamay

      Bago pa kayo tumawag ng SWAT at EOD, ang tinutukoy ko po ay isang cd ni Gary Granada na Saranggola sa Ulan.

     Una ko syang narinig noong eary 90’s nang isama ako ng mga kaibigan kong estudyante ng Peyups sa isang konsyerto sa Quezon Memorial Circle. ang pagkakatanda ko sa pamagat ng concert ay “Cry for Freedom, the concert”.

      Mula noon ay naging tahagahanga na ako ng mamang ito. Nagsimula akong bumili ng kanyang cassette tape. Pagsamba at Pakikibaka, Ugat, Harana, at marami pang iba na nabibili ko sa Popular Bookstore noong na sa Doreteo Jose pa sila. Pero sa pagdaan ng panahon, nawala at/o ninakaw ang koleksyon ko ng tapes ni Gary G.

    Enter high technology. Nauso ang CD. Bumilii rin ako. Dalawang original cd nya ang mayroon ako. Saranggola Sa Ulan at Samu’t-Saring Gary Granada. Pero dahil sa kanyang website ay libreng madownload ang kanyang mga kanta, ayun, laman ng cellphone ko ang kanyang mga kanta, pati na yung mga “rare” na piyesa.

     Kung bakit ko gusto ang mga kanta ni Goryo, ay simple lang. Swak ang karamihan sa kanyang kanta sa aking personal na buhay at pananaw. Mula sa punto de vista ng isang aktibista (Bahay, Walang Laman) hanggang sa damdamin ng isang Ginebra fan (Pag Natatalo ang Ginebra).

    Ang mga love song na kanyang katha ay sakto din naman. Mula sa panliligaw (Nakikita Mo, Balitaan Mo Ako), pagiging ama (Habilin) at hanggang sa paghihiwalay (Paalam). Matalino ang mga liriko, creative ang mga melodiya, kaya pasok sa panlasa.

    Komiko, palaban, malapit sa katotohanan. Yan ang mga kanta ni Gary Granada.

     Bilang isang tagahanga at litratista, pangarap kong makunan sya ng litrato at muling mapanood, mapakinggan nang live sa isang gig.

     At sana ngayon pa lang ay may magnominate din sa kanya bilang National Artist.

Sino SI Kidlat Tahimik

     Marami-rami na rin akong nakasalamuhang mga alagad ng sining, kahit na ako mismo ay walang alam dito. wala akong kaart-art ‘ika nga. Pero bilib ako sa mga taong magaling ang kamay sa pagpinta, may tono kung kumanta at malupet ang isip kung magsulat. Isa sa mga hinahangaan ko ay si Kidlat Tahimik. Isa syang actor film maker/director. bago pa yang mga lintek na indie-indihang trend, may Kidlat Tahimik na. Minsan isang independent film maker ang aking nakahuntahan. Tinanong ko sya kung kilala nya si Kidlat Tahimik, ang kanyang sagot: “sino yun?”. Muntik ko nang ihataw sa kanya ang kamerang dala ko. Muntik lang naman.

Isa syang aktor, direktor, manunulat at producer. ayon sa wikipedia, eto ang listahan ng kanyang mga obra at parangal.

Director

  • Mababangong bangungot [“Perfumed Nightmare”] (1977)
  • Turumba (1981)
  • Sinong lumikha ng yoyo? Sinong lumikha ng moon buggy? (1982)
  • Orbit 50: Letters to My 3 Sons (1992)
  • Why is Yellow Middle of Rainbow? (1994)
  • Japanese Summers of a Filipino Fundoshi (1996)
  • Our Film - Grimage to Guimaras (2006)
  • BUBONG! (Roofs of the World! UNITE!) (2006)
  • Memories of Overdevelopment 1980-2010 (1980–2010)

Writer

  • Mababangong bangungot [“Perfumed Nightmare”] (1977)
  • Turumba (1981)

Producer

  • Mababangong bangungot [“Perfumed Nightmare”] (1977)
  • Abong: Small Home (2003)

Actor

Awards

     Ipinanganak noong October 3, 1942, at ang tunay nya pangalan ay Eric De Guia. Ginamit nya ang ang screen name na KIDLAT dahil sa kanyang asawa na si Katrin. At letter K din nagsisimula ang pangalan ng kanyang mga anak, Kidlat, Kawayan at Kabuyan.