Install this theme

Posts tagged: music

Believe in your Dreams

I grew up listening to Francis Magalona’s rap music. i even bought a couple of his cassette tapes, YO! and Francism. i even listened to Bone thugs and Harmony and Eminem. But still I don’t consider myself as a hiphop dude.

During that time, I dreamed of becoming a photographer for a newspaper. Guess what? I became a photo contributor for some tabloids and a Korean broadsheet before ending up shooting concerts and some stints for FHM.

See the the connection? Here it is…

Many musicians dream of performing in Araneta Coliseum, it is the barometer of their career. Last April 09, that dream came true for the hiphop community. Hence the title, ARANETA DREAMS. A concert primarily of hiphop artists and freestyle rap battle warriors, together with some OPM icons from various genres, folk, rock, R&B, and alternative. And if that wasn’t amazing enough, there’s an orchestra providing beat for the rap battle segment. Cool. But the coolest part is that i was there to shoot.

The death of Francis Magalona is not he end of hiphop here in the Philippines. It actually paved the way for the new generation of artists. And as long as there are concert producers who believe in the talent and skills of Filipino musicians, we will never run out of world class performers.

And if you want to be heard, to be seen, to be recognized, do your job.Sharpen your skill and  hone your talent even more.

Believe in your dreams.

Sa bansang halos araw-araw ay may nabubuo at namamatay na banda, maswerte na kung makapagrelease kayo ng isang EP/Album. At sa puntong yan, hindi naiiba ang bandang SUNDOWNMUSE, na naglaunch ng kanilang EP/Album na APATHY IS THE CURE sa 70’s Bistro kagabi, (July 14) matapos ang halos isang dekada ng pagtugtog at pagpapalit ng mga myembro.

Madami na akong napakinggang indie/underground bands. Yung iba, natuto lang humawak ng instrumento, musikero na daw sila. Meron namang, porket may banda na eh asal rockstar na. Pagpasok ko sa 70’s bistro, sinalubong ako ni Drew Contreras, drummer ng banda, well, sya naman kasi ang nag-invite sa akin, and he’s a fellow photographer. he introduced me to the band and the rest of the gang.

Hindi ko alam ang genre ng bandang SunDownMuse. Di ko alam ang kanilang attitude on stage. pero nang sumalang na sila pagkatapos ng bandang Mr. Anderson at ni Julianne, wow, maganda ang rehistro ng kanilang musika sa aking pandinig. magkahalo ang rock and jazz and everything in between. Magaan pakinggan ang kanilang tugtugan. At habang nagsu shoot ako, naisip ko na ang bandang gaya ng SunDownMuse ang dapat na binibigyan ng break sa mainstream music industry. sila dapat ang naririnig natin sa radio at gineguest sa mga tv shows.

Ang APATHY IS THE CURE ay available sa ilang piling Odyssey outlets. May anim na kanta. At maniwala ka, ang sarap pakinggan.

Dumagsa sa SM Arena ang mga tagahanga ng American rapper/singer na si Nicki Minaj kahapon (July 11) upang makiparty sa Pink Friday tour. Bata, matanda, boys and girls, and those in between surely had a good time as Nicki Minaj performs  her hit songs like Starhip, Stupid Hoes, and Super Bass among others.
Even celebrities, troop to the Arena to watch her live. i saw, Angelou De Leon with her daughters and Carlene Aguliar, Petra Mahalimuyak, Pia and Maxene Magalona, Raymond Gutierez, Tim Yap and so many familiar faces that i don’t know the names.
The show was opened by Q-York and Phillippine All Star. AT pagtapos ng gap, dumagundong ang Arena nang sumalang na sa entablado si Minaj. Biglang napuno ang harapan ng stage nang biglang sumugod sa harap ang mga tao. wala nang pakialam kung magakasiksikan o magkatulakan makita lang nang malapitan ang kanilang idolo. may mga taong tumawid sa mga upuan makalapit lang sa stage. In a way, naging advantage ko ang pagdagsa ng mga tao kung saan ako nakaupo.  nagawakong makuha ng maraming litrato sa buong time ng concert dahil naging camouflage ko silang lahat. Paparazo kaya ito. sabi nga ng mentor kong si Jude Bautista, “diskarte lang Chris”.
I am not a fan of Nicki Minaj even my Saul used to sing the chorus of her hit song Super Bass. But I must admit that her performance is so good that there were moments that I caught myself dancing and yelling “yeah”.
This awesome show’s brought to us by WILBROS, Globe Telecom, and Black Berry Pilipinas. Good work guys and thank you!

Granada Sa Aking Kamay

      Bago pa kayo tumawag ng SWAT at EOD, ang tinutukoy ko po ay isang cd ni Gary Granada na Saranggola sa Ulan.

     Una ko syang narinig noong eary 90’s nang isama ako ng mga kaibigan kong estudyante ng Peyups sa isang konsyerto sa Quezon Memorial Circle. ang pagkakatanda ko sa pamagat ng concert ay “Cry for Freedom, the concert”.

      Mula noon ay naging tahagahanga na ako ng mamang ito. Nagsimula akong bumili ng kanyang cassette tape. Pagsamba at Pakikibaka, Ugat, Harana, at marami pang iba na nabibili ko sa Popular Bookstore noong na sa Doreteo Jose pa sila. Pero sa pagdaan ng panahon, nawala at/o ninakaw ang koleksyon ko ng tapes ni Gary G.

    Enter high technology. Nauso ang CD. Bumilii rin ako. Dalawang original cd nya ang mayroon ako. Saranggola Sa Ulan at Samu’t-Saring Gary Granada. Pero dahil sa kanyang website ay libreng madownload ang kanyang mga kanta, ayun, laman ng cellphone ko ang kanyang mga kanta, pati na yung mga “rare” na piyesa.

     Kung bakit ko gusto ang mga kanta ni Goryo, ay simple lang. Swak ang karamihan sa kanyang kanta sa aking personal na buhay at pananaw. Mula sa punto de vista ng isang aktibista (Bahay, Walang Laman) hanggang sa damdamin ng isang Ginebra fan (Pag Natatalo ang Ginebra).

    Ang mga love song na kanyang katha ay sakto din naman. Mula sa panliligaw (Nakikita Mo, Balitaan Mo Ako), pagiging ama (Habilin) at hanggang sa paghihiwalay (Paalam). Matalino ang mga liriko, creative ang mga melodiya, kaya pasok sa panlasa.

    Komiko, palaban, malapit sa katotohanan. Yan ang mga kanta ni Gary Granada.

     Bilang isang tagahanga at litratista, pangarap kong makunan sya ng litrato at muling mapanood, mapakinggan nang live sa isang gig.

     At sana ngayon pa lang ay may magnominate din sa kanya bilang National Artist.